Sa isang sulok ng aming paaralan
Matayog na puno iyong matatagpuan
Ito’y punong-puno ng berdeng dapon
Na siyang naglalagas maghapon
In one corner of our school
You can find a lofty tree
Full of dark green leaves
That fall each passing day
Ngunit ganoon pa man,
Aking nadarama’y kasiyahan
Dahil sa hangin nitong binibigay
Ang aking paaralan ay presko at makulay
I feel some solace
It’s good
Because of the air it provides
My school is fresh and clean
Sa paglipas ng mga araw
Siya ay unti-unting tumatanda
At hindi na siya masyadong gumagalaw
Dahilan sa katandaan , hindi na siya makasayaw
Over the days
The tree is gradually getting older
And it doesn’t move much anymore
Due to old age, it could no longer dance
Hanggang isang araw siya’y wala na roon
Napalitan na pala ng isang puno
Alam ko na hindi maglalaon
Ganoon din ang kahihinatnan ng punong bago
Until one day it was no longer there
It was replaced by a new sapling
I know that one day
The new sapling will become old
Narito ako ngayon,nagsusulat ng tula
Sa paglipas ng panahon
Ako’y papalitan din ng iba
At ako rin ay magiging isang kahapon
Here I am now, writing a poetry
Over time as time passes
I will be replaced by others
And I too will become part of yesterday